Minsan, kapag nahihirapan kang mag quit sa huli mapagtatanto mong tama nga ang ginawa mo.
Maliilto ka e. Instinct ba to? O sinusubukan lang katatagan ko.
Pero sabi nga, kapag nasasaktan ka’t nahihirapan nang husto, may bubunga doon. Hindi puro hirap lang ang dadaloy sa ugat mo. At hindi din puro sarap.
Kung mapapansin mo. Dun sa mga nag tagumpay ngayon, bakit simula’t sapul ba naging masaya na sila sa buhay nila? Madaming balakid diyan. Madaming tukso. Madaming eklavu para subukin kung gaano sila kalakas at gaano nila kilala ang diyos.
Hindi naman diyos ang nag papahirap satin e. Satan. Kasi kung matukso ka. Friendship na kayo. Pero kung hindi hindi ka na din nya papansinin. The more na kumakapit ka sa diyos the more na naaattract siya sayo. Madaming kwento about diyan. Totoong amazing.
OA lang naman kasi mga tao ngayon. Konteng hirap sasabihin pinag sakluban na nang langit at lupa. Eh yung iba nga nag hahalungkat pa nang basura para lang makakain. Ikaw simple lang nag mumukmok at umiiyak ka na.
Isipin mo nalang na maswerte ka. ma swerte ka’t nagkakaproblema ka pa’t hindi ka pa nakahimlay, meron kang gamit na wala ang ibang tao. Hindi naman nakakawalang dignidad kung hindi ka nagkaroon nang madaming kaibigan e.
Importante ang salitang pagpapasalamat. God bless pessimists.
(Source: theflabbergast)


